Mas Liberal Na Pamamaraan Ng Pagsuporta Sa Edukasyon ng Lokal Na Pamahalaan, Tinalakay Sa Synergeia Alliance

March 24, 2017 | Lala E. Esmana


Upang mas higit na mabigyang suporta sa inobatibang paraan ng Lokal na Pamahalaan ang edukasyon sa bayan ng Ibaan, dumalo si Mayor Juan ” Danny ” V. Toreja sa isang talakayan na binuo ng Synergeia Alliance, March 15, sa Waterfront Manila Pavilion Hotel, U.N Avenue, Manila, kasama sina District Supervisor Bb. Emiliana M. Roxas at Engr. Noriel Aguila.

Ang talakayan ay tungkol sa naka kahong sistema sa pagbibigay ng pangunahing edukasyon sa ating bansa.

Layunin ng talakayan ang mapahalagahan ang tungkuling ginagampanan ng Local Chief Executive at Local School Boards upang mabigyan ng pantay pantay na edukasyon ang mga bata.

Hindi lamang sa pagtatayo ng mga eskwelahan at silid aralan ang paraan upang mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang mga bata kundi magsilbing instrumento upang mapaunlad ang kaalaman sa iba’t ibang paksa at ang bawat isa sa komunidad ay magkaroon ng malasakit upang huwag maiwan sa mga guro at eskwelahan lamang ang responsibilidad sa mga bata sa halip ay maging kaagapay upang makamtam ang mithiing ito.

Ilan sa mahahalagang bahagi na tinalakay ay ang Performance and Root Cause Analysis of Education Performance, The Local Executive as a Co- Pilot in Education at The Jesse Robredo Experience in Transforming School Boards.

Nagpahayag si Mayor Danny Toreja, ” Lubos nating susuportahan ang mga bata upang mabigyan sila ng de kalidad na edukasyon. Ang Lokal na Pamahalaan kasama ang pamunuan ng mga paaralan at mga guro ay patuloy na gagampanan ang aming tungkulin sa ikauunlad ng ating mga mag aaral. ” aniya.

Ang Synergeia ay isang kondisyon ng isang indibidwal, institusyon at organisasyon na nagsama sama upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon.

Kasama sa mga prinsipyong isinusulong ng Synergeia ay ang mga prinsipyo ding ipinatutupad at isinagawa ni dating DILG Secretary Jesse Robredo noong siya ay kalihim pa at Punong Bayan ng Naga City.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s