Liham Ng Isang Iskolar Ng Pamahalaang Bayan Ng Ibaan Kay Mayor Danny Toreja

April 19, 2017 | Lala E. Esmana at Cinderella D. Samson

Mahal na Punong Bayan at mga staff, 
” Una po sa lahat nais ko pong ipahatid ang aking taos pusong pasasalamat sa inyo Mayor Juan ” Danny ” Toreja sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na mapabilang sa inyong mga scholar. Napakalaki pong bahagi sa aking tagumpay ang inyong tulong na ito. Para po sa akin ay kayo ang pinaka ” dabest ” na Mayor.

” Nais ko din pong ipahatid ang aking pasasalamat sa inyong mga staff sa Office of the Mayor na walang sawang nag- aayos ng aming mga papel upang makuha ang aking scholarship grant.

” Kayo po ay sumisimbolo sa mga tunay na bayaning lingkod bayan! Mabuhay po kayo, Mayor Juan ” Danny ” Toreja. Kayo po ang tunay na larawan ng isang karapat dapat at mabuting ama ng bayan ng Ibaan.”

” Magtatapos po ako ng ” With Distinction ” ngayong April 04, 2017 at nais ko pong sabihin na ang tagumpay na ito ay inaalay ko din para sa inyo.”

” Maraming maraming salamat po! “

Ang inyo pong scholar, 

Roselyn Landig Dela Pena

Teodoro M. Luansing College of Rosario

Sto. Nino, Ibaan, Bats.

Si Roselyn Dela Pena ay naging iskolar ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Juan ” Danny ” Toreja simula nong siya ay nasa unang semestre ng ikalawang taon ng kanyang pagpasok sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education hanggang siya ay makapagtapos. 

Ayon sa alkalde, “Nakakatuwang isipin na may mga taong katulad ni Ms. Roselyn De la Pena na nakakaalala sa mga tulong ng pamahalaan sa kanya. Bilang Punong bayan ay tungkulin ko ito subalit nakakataba ng puso kapag nakakatanggap ako ng papuring katulad nito”. 
Dagdag pa ng alkalde,” Hangad ko ang ipagtatagumpay mo sa iyong napiling propesyon. Ipinagmamalaki ka ng ating bayan”. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s