Nag-iisang Centenarian Sa Ibaan, Tumanggap ng P100,000

April 26, 2017 | Cinderella D. Samson

Tinanggap ng nag-iisang centenarian sa bayan ng Ibaan ang isang daang libong piso bilang regalo sa kanyang pag- abot sa ika- isang daang taon. Ito ay personal na inaabot ng Punong Bayan, Juan V. Toreja at Project Development Officer 1 ng DSWD- Region 4 na si Bb. Sabrina Salvan sa tahanan ni Nanay Eusebia sa Poblacion, Ibaan, Batangas, April 25, alas diyes ng umaga.

Naroon rin sina G. Delfin B. Casao , Office of the Senior Citizens Affairs Head Gng. Digna Cortez, MSWD personnel, G. Ariel Soriano Sr., Kapitan ng Brgy. Poblacion upang saksihan ang paggagawad ng cash gift.

DSC_1012

Siya Nanay Eusebia Rivera Endaya ay isinilang noong Oktubre 28, 1913 sa bayan ng Ibaan.

Ayon sa kaniyang apo na si Gng. Flordelinda Javelosa, “Sa edad po ng Nanay na 103 yrs. old ay napakalinaw pa ng kanyang pag-iisip. Wala po siyang sakit maliban sa hindi na siya gaanong makalakad sanhi ng kanyang pagkakadapa. Wala po siyang maintenance at napakagaling pang kumain.”

Sinagot ng alkalde ang wheelchair ni Lola Eusebia na sana’y bilbilhin mula sa perang natanggap niya upang maging madali para sa Lola ang makaalis ng hindi na binubuhat.

Ang pagbibigay ng halagang isangdaang libo ay alinsunod sa RA 10868,”An Act Honoring and Granting additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and for other purposes.

Si lola Eusebia ay nagsilbing inspirasyon upang mas pangalagaan pa natin ang ating kalusugan at pag-ingatan ang pangangatawan.

Ayon sa kaniyang pamilya, “Salamat ng marami, kung hindi rin dahil kay Mayor Juan V. Toreja ay hindi rin agad maibibigay ito sa amin.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s