Blood Olympics, Isinagawa Sa Ibaan

July 18, 2017 | Kharen E. Tejada

Naging matagumpay ang isinagawang blood donation na may temang “Dugtong-Buhay, Alay Sa Mamamayan Ni Santiago Apostol” sa Recto Gym, Ibaan, Batangas, July 18. Nilahukan ito ng higit dalawang daang katao mula sa bayan ng Ibaan.

Naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan at ng St. James the Greater Parish sa pagdiriwang na din ng kanilang ika-200 taon ng pagkakatatag.

Pinangunahan ang programa ng mga kawani ng Batangas Medical Center, Philippine Red Cross, Municipal Health Office ng Ibaan, at mga Barangay Nutrition Scholar.

Samantala ang mga nakilahok naman sa nasabing bloodletting ay mga kawani ng pamahalaang bayan, ilang sundalo mula sa Philippine Air Force, mga kapulisan mula sa Ibaan MPS at mga residente ng Ibaan.

Sa kabuuan, nagkaroon ng 235 na mga blood donors na tinaguriang mga bayani.

Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ni Ibaan Municipal Administrator Atty. Triven T. Castillo. Nagbigay siya ng mensahe sa lahat ng mga nakilahok. Aniya, bayani kung ituring ang mga blood donors sapagkat sa pamamagitan nila ay makasasagip sila ng buhay. Nagpasalamat din ang tagapamanihala sa lahat  ng tumulong at sumuporta sa programa.

(Videoclips by Lala Esmana | Edited by DTPerez)

Nagbigay din ng kani-kanilang mensahe ng pasasalamat sina Konsehal PJ Chua, Konsehal Turing Maputi, at Dra. Agnes M. Chua, MHO.

Ipinamalas naman ng grupo ng mga mag-aaral mula sa Caloocan-ang St. Dominic Savio Cultural Dance Group ang kanilang talento sa pagpapakita ng mga katutubong sayaw nating mga Pilipino.

Matapos nito ay nagperform din ang mga kawani ng Municipal Health Office of Ibaan ng Zumba kasama ang mga Barangay Nutrition Scholars.

Tinanggap naman ni Mayor Danny Toreja ang plaque of recognition mula St. Dominic Savio College dahil sa mainit na pagtanggap ng alkalde sa kanila.

Nagpaabot din ng kanyang mensahe si Rev. Fr. Randy Marquez na lubos ang pasasalamat sa mga nakilahok sa bloodletting pati na rin sa grupong nagperform at kay Mayor Danny.

Samantala, napakaganda namang balita ang inanunsyo ng alkalde sapagkat nagpahayag ng pagtulong ang St. Dominic Savio College sa bayan ng Ibaan sa pamamagitan ng Masteral at Doctorate Degree Course na may 40% diskwento para sa tuition fee at dito na rin mismo sa Ibaan ibibigay ang serbisyo.

Dumating din ang Top 5 Winners ng Mutya ng Ibaan 2017.

Naging daan ang programa sa magandang oportunidad na ito na magiging kapaki-pakinabang para sa mga Ibaeño.

Photos | DTPerez

__________________

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s