Pamahalaang Bayan Ng Ibaan, Nakiisa Sa Kapistahan Ni Poong Santiago

July 27, 2017 | Lala E. Esmana at Kharen E. Tejada

Mayor Danny Toreja Most Rev. Rey Evangelista Rev. Fr. Randy Marquez Mrs. Dea Pasia Ibaan Batangas Ibaangibaan Feast of St. James
Mula sa kaliwa ay si Rev. Fr. Randy Marquez,
Most Rev. Rey Evangelista,
  Mayor Danny Toreja at Gng. Dea Pasia

Sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja, nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa selebrasyon ng Kapistahan ni Poong Santiago na siyang Mahal na Patron ng Bayan ng Ibaan, July 25.

Bago pa man maganap ang nasabing pagdiriwang, nakikipag-ugnayan na si Mayor Danny sa pamunuan ng St. James the Greater Parish upang alamin kung ano pa ang kailangang tugunan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan bago pa man maganap ang kapistahan.

Nauna na rito ang pagpaplano tungkol sa traffic management na isa sa kailangang paghandaan dahil sa inaasahang pagdagsa ng makikipagdiwang.

Nakipagpulong sa alkalde ang mga kinatawan ng simbahan sa pangunguna ni Chairwoman on Finance Committee Gng. Dea Pasia, si Security Officer Col. Venus De Castro, Traffic Enforcers Team Leader Marianita Blay, PSI Ricaredo Dalisay at PO2 Oliver Ylagan mula sa Ibaan MPS, BFP sa pangunguna ni Hepe Domingo Rubis, ilang konsehal, at empleyado ng munisipyo. Naganap ito noong July 5 at nasundan naman noong July 10, at ang pinal na pagpupulong ay idinaos noong July 17 matapos ang ordinasyon sa mga pari at dyakono.

Isang malaking selebrasyon ang isinakatuparan sapagkat kasabay nito ay ang ika-200 taon ng pagkakatatag ng St. James the Greater Parish kaya naman buong pwersang sumuporta ang pamahalaang bayan na nagtayo rin ng sariling tent kung saan makikita ang re-engineered kulambo na nakadisenyo sa kasuotang filipiniana. Nagpahanda din ang alkalde ng isang salu-salo para sa lahat ng empleyado maging ang kanilang pamilya.

Naging mapayapa naman ang pista na pinasimulan sa magkakasunod na misa mula 5:00AM hanggang 7:30AM, concelebrated mass mula 9:00Am hanggang 11:00AM sa pangunguna ni Most Rev. Rey Evangelista, Archbishop of Imus Cavite.

Matapos ang misa, inanyayahan ni Rev. Fr. Randy Marquez ang lahat sa isang salu-salong pananghalian na nasa Galilea Area na tinawag nilang Hapag ni Poong Santiago. Dito ipinakita ang iba’t ibang putahe na mayroon ang bayan ng Ibaan, hindi naman mawawala ang tamales na ipinagmamalaki ng bayan.

Bandang 3:00PM ng hapon ay nakumpleto na ang 30 na mga imahe ni Poong Santiago Apostol mula sa iba’t ibang barangay.

Bago pa man iparada ang mga imahe ay nagkaroon ng misa sa patio na pinangunahan nina Rev. Fr. Randy Marquez, Fr. Vandy sentales, Fr. Jefhie Perez, at Fr. Ferdemagne Pascua, Oblates of St. Joseph.

Nagkaroon din ng “Baratillo ni Poong Santiago” na kakikitaan ng mga paninda gaya ng mga litrato at maliliit na imahe ni Poong Santiago, mga religious accessories mula sa Divine Mercy, mga pagkain, beauty at health products, mga halaman tulad ng cactus, rose, strawberry at aglaonema, mayroon ding hamster at rabbit, may booth din ang Globe at Mcdo. Nagsimula silang magtinda mula July 16 hanggang July 25.

Samantala, ipinamalas din nina Kapitana Jean Mikhael T. Avila at mga Escuadron Phill Joshua G. Caringal at John Rick D. Caringal mula Poblacion ang Sayaw na Pagbati na itinuro ni G. Sheldon Bencent Guino.

Nagkaroon din ng sabayang Sayaw ng Pagbati ang 24 na mga kapitana ng mga barangay.

Nagpakita naman ng kanilang talento na may temang Cultural Presentation ang mga BLC ng bawat barangay. Hinati nila ang mga barangay na ito sa limang cluster. Nagsayaw ng folk dance ang Cluster 2 na binubuo ng Brgy. Pangao, Matala, San Agustin, at Munting Tubig, interpretative dance naman sa Cluster 4 na binubuo ng Brgy. Palindan, Sto. Niño, Salaban I, Salaban II, Lapu-Lapu, at Malainin, samantala sabayang-awit naman ang ipinamalas ng Cluster 5 na mula sa Brgy. Coliat, Bungahan, Sabang, Quilo, at Bago. Kabilang naman sa Cluster 1 ay ang Brgy. Poblacion, Talaibon, Tulay, at Calamias. At sa Cluster 3 ay Brgy. Sandalan, Balanga, Catandala, Mabalor, Panghayaan, Lucsuhin, at Dayapan. Bagama’t hindi lumahok ang Cluster 1 at 3 sa cultural presentation, ipinamalas naman nila ang kanilang talento sa tent decoration at kulambo re-engineering.

Isa rin sa inaabangan ng mga tao ay ang raffle draw ng 2017 Nissan Navarra Pick Up na ipinakikita sa harap ng simbahan. Halos 10,000 na mga ticket ang naipalabas sa mga tao na may halagang P500.00 kada isa.

Bago ito, nagbigay muna ng kani-kanilang mensahe ng pasasalamat sina Maypr Danny Toreja, PPC President Manny Claveria, at Rev. Fr. Randy Marquez.

Ayon kay Mayor Danny, espesyal ang araw ng kapistahan sapagkat kasabay nito ay ang ika-200 taong anibersaryo ng simbahan, at binati niya ang minamahal na Patron ng Ibaan, si Poong Santiago. Nagpasalamat din siya sa lahat ng tumulong upang mapanatili ang kaayusan ng idinaos na pagdiriwang.

Pinasalamatan din nila si Gng. Rea Avila, Cultural Committee Head for the BiCentennial at sa buong pamilya dahil sa efforts na ginawa nila upang maging matagumpay ang selebrasyon, SWAT, Ibaan MPS sa pangunguna ni PSI Ricaredo Dalisay, traffic enforcers, mga barangay tanod, BLC, at Finance Committee.

Bago simulan ang raffle draw ay inanunsyo muna ang lahat ng nanalo sa ginanap na kompetisyon noong July 25:

Best in Cultural Presentation – Cluster 4

Best in Tent Decoration – Clusters 1-5

Best in Kulambo Re-Engineering – Cluster 5

Natapos naman ang selebrasyon sa fireworks display matapos ianunsyo ang nanalo ng grand prize na Navarra, nakuha ito ng isang construction company mula Pasig City. Maswerte din ang nakakuha ng 3rd prize na 43 inches SONY flat screen tv na si Leonel Salazar Manalo mula sa Brgy. Lucsuhin, 2nd prize na iphone 7 na nakuha naman ni Ria M. Andal mula naman sa Brgy. Bago.

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s