Silver At Bronze Medals, Inuwi Ng Ibaan

July 31, 2017 | Kharen E. Tejada

Dalawang manlalaro mula Ibaan ang nag-uwi ng medalya sa ginanap na 1st Governor H.I. Mandanas Table Tennis Competition 2017 noong July 29-30 sa Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City.

Si Tristan Ivan M. Guerra mula Brgy. Palindan ang nagkamit ng silver medal para sa kategoryang 11 years old and below at bronze medal naman ang nakuha ni Lan Irone A. Flores ng Brgy.  para sa kategoryang 16-39 years old.

Nasungkit ni Tristan Ivan ang silver medal kontra kay Kirvy Fagarito mula sa Malvar, Batangas. Bago pa man niya marating ang semis ay tinalo niya ang dalawang manlalaro mula San Pascual at Agoncillo na kapwa mahuhusay ngunit di umubra sa galing ng manlalaro ng Ibaan.

Samantala, natalo naman ni Lan Irone si Erick John Estrada ng Batangas City na nauwi sa pagkakamit niya ng bronze medal. Pinataob din niya ang mga players mula Alitagtag, Batangas, at Tanauan.

IbaangIbaan Ibaan Batangas Municipal Physical Fitness and Sports Development Eng. Noriel Aguila Sir Roger Guerra Headcoach Dr. Heczel Ibaan Table Tennis Club
ITTC – Ibaan Table Tennis Club Head Coach Dr. Heczel Miñas (pangatlo mula sa kanan), Ibaan Sports Coordinator Engr. Noriel Aguila (dulong kaliwa), at Assistant Sports Coordinator Sir Roger Guerra (dulong kanan), (mula kaliwa bandang itaas) ITTC Trainees Tristan Ivan Guerra, Lan Irone Flores, Mark Shawen Miñas, Aldson Gallaza, John Benzon Manalo, (mula kaliwa bandang ibaba) Arra Grace Manalo, Ma. Franchesca Eunice Guerra, Giddela A. Virey, Krizel Clet Salagubang, Kia Mariz Vilela, Ran Drick Kenneth Umali, Christian Patalay, Jhoen Miguel I. Guerra, (bandang ibaba mula kanan) Dan Justine Mel E. Palma, Jian Bien M. Guerra, at Hezekiah D. Pera (Photo by Lala Esmana).

Hindi rin magpapahuli ang kanilang mga kakampi na nagpakita rin ng kanilang galing sa paglalaro, bagama’t ang ilan sa kanila ay mga baguhan pa, sinanay naman sila sa matinding training ng mahusay na head coach na si Dr. Heczel Miñas.

Ayon kay Doc Heczel, matindi ang mga nakatunggali ng kanyang koponan dahil ilan sa mga ito ay lumalaban na sa Palarong Pambansa, at isang karangalan na makaharap sila sa nasabing kompetisyon. Ganunpaman ipinagmamalaki niya na nagwagi pa rin at nakakuha ng medalya ang smashers ng Ibaan.

Head Coach Dr. Heczel Minas Lan Irone Flores Tristan Ivan Guerra 1st Governor Table tennis Tournament Municipal Physical Fitness and Sports Development Ibaan Batangas Iba ang Ibaan
Sina Lan Irone Flores (kaliwa), Dr. Heczel Miñas (gitna) bilang head coach ng Ibaan Table Tennis Club, at Tristan Ivan Flores (kanan). Photo by Lala Esmana

Upang masiguro ang integridad ng naganap na Table Tennis Tournament, inanyayahan ng pamunuan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) si Mr. Daniel A. Deleniana ng International Table Tennis Federation (ITTF) National Umpire na pamahalaan ang kabuuan ng kompetisyon.

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s