Ibaan Jins, Tagumpay Sa Provincial Competition

August 8, 2017 | Kharen E. Tejada

Anim sa walong manlalaro ng Ibaan Taekwondo Team ang nagpakita ng impresibong laro upang makakuha ng medalya sa katatapos lamang na Governor H. I. Mandanas Inter-LGU Age-Group Taekwondo Competition 2017 sa Provincial Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City, August 6.

Nagpamalas ng tibay ng loob ang batang si Angelo Luterte(Junior Men Novice Welterweight Division) na nagdala sa kanya sa tagumpay at makasungkit ng gintong medalya laban kay David Reovem Cinco ng bayan ng San Juan. Bago ito, tinalo muna niya ang dalawang manlalaro na sina Simon Abitan ng Calaca at Gabriel Reinton na mula din sa San Juan.

 

Bagaman yellow belter pa lamang si Luterte, tinalo niya ang black belter na si Cinco. Ayon sa Coaches ng grupo na sina G. Anton Bernanrdo at G. Jay Del Mundo, “puspusang pagsasanay at disiplina ang pinagdaanan ng Taekwondo players ng Ibaan” na naging susi sa kanilang tagumpay.

Tinalo ni John Royce De Castro(Cadet Boys Novice Welterweight Division) si Angelo Panganiban ng Rosario para sa Bronze Medal na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makaharap si Renan Adolfo, Jr. ng Lipa City para sa Gold Medal kung saan siya nabigo. Higit mang mas malaki sa kanya ang kalaban, di siya kinakitaan ng panghihina ng loob, bagkus ay lalo pa siyang naging determinado na makapuntos bagama’t hindi niya nasungkit ang gintong medalya.

 

Silver Medal din ang nasungkit ni Kriss Jay Vergara(Junior Men Advance Light/Welterweight Division) matapos siyang mabigo laban kay Merwin Monterde ng San Juan para sa gintong medalya. Nauna munang tinalo ni Vergara sina Joshua Ivan Reyes at Anthony Lunes ng San Juan. Ganun pa man, nanatili ang kumpiyansa ni Vergara na makabawi sa susunod na mga kompetisyon.

 

Hindi rin nagpahuli ang mga babaeng manlalaro na nagkamit ng bronze medal. Sila ay sina Gwyneth Jewel D. Magnaye(Cadet Girls Novice Lightweight Division) at Raze Allyson A. Pateña(Junior Women Advance) kapwa nag-aaral sa DJAPMNHS, at Michelle A. Maranan(Junior Women Novice L.Middle/Welterweight Division) ng Saint James Academy.

Di man pinalad na manalo ang mga kalahok na sina Andrei Castillo(Junior Men Advance Fin/Flyweight Division) at Nichole Regeilyn Ocampo(Cadet Girls Novice Lightweight Division), bilang mga baguhan, malaki na rin umanong oportunidad ang naganap na torneo upang sila ay mahubog din sa aktwal pakikipaglaban.

Kasama din sa gumabay sa mga manlalaro si Gng. Ynah Tolentino bilang Assistant Instructor.

Samantala, kinabukasan matapos ang kanilang kampanya sa nasabing kompetisyon, opisyal na kinilala ng pamahalaang bayan ang karangalan na kanilang ibigay sa bayang ng Ibaan kung saan isa-isa silang ipinakilala sa publiko, ganun din ang kanilang mga Coaches, matapos ang Flag Ceremony. Saglit din na tumuloy ang grupo sa opisina ni Mayor Danny Toreja para sa maikling kwentuhan tungkol sa mga naging kaganapan sa kompetisyon.

 

 

__________

Ibaan Municipal PIO (Photos by Lala Esmana, Copyright IbaAngIbaan)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s