Australian Ambassador Gorely, Bumisita Sa ACDI Farm Sa Ibaan

August 11, 2017 | Kharen Tejada and Lala Esmana

Bumisita si Australian Ambassador Amanda Gorely sa ACDI Farm sa Ibaan at iba pang kasamahan sa embahada upang alamin ang kalagayan ng mga jersey cattle mula Australia na siyang pangunahing “source” ng dairy products ng ACDI Farm na matatagpuan sa Sito Sta. Margarita, Brgy. Munting Tubig, August 11.

Kasama ni Ambassador Gorely ang kanyang asawa na si G. Stuart Gorely, Bb. Elodie Joournet (Senior Trade and Investment Commissioner, Austrade), Bb. Vanessa Perez (Investment and Business Development Manager, Austrade), Bb. Patricia de Mesa (Business Development Officer, Austrade), at Bb. Willa Santiago (Media Officer, Public Diplomacy).

Binisita nila ang 238 na mga jersey cattle, 236 sa mga ito ang kasalukuyang nagbubuntis at ang dalawa naman ay bull. Nasa period of pregnancy na ang mga cattle nang dalhin dito sa ACDI Farm, Ibaan noong May 16, 2017.

Sa tulong na rin umano ng mga kaibigan nila mula Australia, naging posible ang unang agribusiness ng kooperatiba, napili din nila itong angkatan ng baka dahil mataas ang produksyon ng gatas nito at mainam para sa kanilang dairy farm.

May sukat na 15 hectares ang lupain na may kapasidad na makapag-alaga ng 1000 na baka at 600 na maaaring kuhanan ng gatas. Nag-aalaga rin sila ng uri ng manok na kung tawagin ay parawakan na lumalaki ng halos 2kg mula sa Palawan. Plano din nila na sa taong 2018 ay makapag meat processing din sila upang mas lumawak pa ang kanilang produksyon.

Tatlong barangay ang nasakop na lupain ng ACDI – Brgy. Munting Tubig, Ibaan (8.5 hectares), Brgy. Calamias (5 hactares), at Brgy. Rizal, Lipa City (2 hectares).

Sinimulan ang konstruksyon ng ACDI Farm noong 2015, at sa kasalukuyan ay may mga naipatayo nang gusali gaya ng Agri Business Division Temporary Office, milking parlor, silage building, quarantine building, at smarthouse/mess hall. Sa ngayon ay ipinapagawa na nila ang milking parlor with treatment pen, calves shed, at calves and weaned pen.

“I’m happy to see Ibaan – Australian connection here at least with these cattle”, pabirong wika ni Amb. Gorely.

Naroon din si Mayor Danny Toreja, G. Arnel Toreja (CVT Farm Owner), Kon. Julius Panaligan (Chairman, Committee on Agriculture), Kap. Anthony Rabino(Brgy. Calamias), Kap. Mario C. Acebo (Brgy. Munting Tubig), Kap. Juan Macatangay (Brgy. Rizal, Lipa City), Doc Gigi Salces (Consultant/Genetesist,UPLB), at Doc Maying Pilapil-Amante (Consultant/Veterinarian).

Sa kanilang pagpupulong, napagkasunduan na patuloy na maghahanap ng mga paraan para sa mga proyekto na maaring maihatid ng Australian Embassy sa bayan ng Ibaan lalong higit sa aspeto ng agrikultura at cattle business.

Ang ACDI Farm ay ang pangatlo at pinakamalaking dairy farm sa Ibaan. Ang isa ay pag-aari ni G. Cornelio Toreja habang ang isa pa ay pag-aari naman ni G. Peter Balotoc sa Brgy. San Agustin.

____________________________________

  • Ibaan Municipal PIO | DTPerez Lala Esmana Kharen Tejada
  • Photos by DTPerez | Copyright IbaAngIbaan

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s