Ibaan, Ikalawang Araw Nang Walang Kuryente

August 17, 2017

Nasa ikalawang araw na ang dinaranas na brownout ng bayan ng Ibaan na siya namang ipinaghihimutok ng mamayan dahil sa epekto nito sa kanilang kabuhayan at pamilya.

Matatandaan na pasado alas-sais ng umaga kahapon, August 16, nang mawalan ng kuryente ang buong bayan ng Ibaan. Ikinagulat ito ng mamamayan dahil wala umanong announcement o abiso na ginawa ang pamunuan ng Ibaan Electric Corporation.

Bunsod nito, pagpasok sa opisina ay agad na nagpadala ng sulat si Mayor Danny Toreja sa Ibaan Electric sa opisina ni Bb. Marison Magpantay, General Manager, upang humingi ng paliwanag o impormasyon hinggil sa pangyayari. Hiniling din niya na mabigyan ng patuloy na update ang pamahalaang bayan tungkol dito.

Ipinadala din ang nasabing sulat kay Engr. Nelson D. Canlas, ang Chief Energy Regulation Officer ng Investigation and Enforcement Division ng Energy and Regulatory Commission (ERC) sa pamamagitan ng email.

Sa sagot na liham naman ni Bb. Magpantay, sinabi niya na nagkaroon ng “tripping” sa Feeder 1 sa kanilang sub-station, ganun din ang pagkasira ng kanilang “power transformer”.

Dagdag pa niya, bagama’t mayroon umano silang back-up power transformer, kinakailangan muna nilang makipag-coordinate sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bago sila gumawa ng mga hakbangin.

“Despite of what happened we have backup power transformer but before we can energize, we need to coordinate with NGCP for the necessary compliances. As of this moment, we are waiting for the response from NGCP for the clearances, permits and personnel”, ayon sa liham ni Bb. Magpantay.

At dahil umano sa nabanggit na “technical issue”, inaasahan ang mas matagal na power interruption sa Ibaan.

Sa kasalukuyan ay patuloy umano ang pagkukumpuni sa kanilang pasilidad katulong ang NGCP at iba pa.

Samantala, ayon sa huling verbal communication ni Bb. Magpantay sa pamahalaang bayan bandang alas-dose ng tanghali, August 17, posibleng “within the day” ay maibalik at magkaroon na ng kuryente.

Bagamat walang kasiguruhan, lahat ay umaasa na magliliwanag na ngayong gabi. 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s