594 Drug Surrenderees, Nagsipagtapos Sa SIPAG Program

October 27, 2017 | Kharen Tejada at Lala Esmana

Bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga ay inilunsad ang SIPAG Program na naging matagumpay dahil sa ginanap na Graduation Ceremony ng 594 surrenderees, sa Recto Gymnasium, Poblacion Ibaan, October 27.

Tinanggap nila ang Certificate of Completion at nangako na hindi na muli pang babalikan ang paggamit ng droga. Tinanggap nila ang sertipiko na nangangahulugang nakumpleto nila ang tatlong modyul at labindalawang sesyon ng Recovery Program.

Ayon kay Mayor Danny Toreja, hindi dito nagtatapos ang programa dahil sasailalim pa sila sa random drug testing upang maseguro ang kanilang tuluyang pagkawala sa pagdodroga. Idinagdag pa niya ang mga programang nakalatag para sa kanila sa pagsisimula nila ng bagong buhay.

Maglalaan ang pamahalaang bayan ng mga programa gaya ng livestock at livelihood programs, mga trainings na may kaugnayan sa rescue and response operations, na kanilang mapapakinabangan sa pangaraw-araw na pamumuhay.

“May pag-asa pa!”, ito ang sabay-sabay na sigaw ng lahat ng mga nagsipagtapos. Masayang pinakinggan ito ng lahat ng saksi na naroroon, lalo na ang mga taong nagbuhos ng kanilang panahon na matutukan ang aspetong moral at espiritwal ng lahat, sila ang mga pastor at pastora mula sa iba’t ibang organisasyon.

Nagpaabot ng kanyang mensahe ang SIPAG Head na si Bro. Laurence Tugaoen, aniya, siya ang na-iinspire sa mga ganoong pagkakataon at tuwing maiimbitahan siya upang saksihan ang pagtatapos ng mga sumailalim sa SIPAG Program.

Mula umpisa ng SIPAG Program ay patuloy naman ang pagsuporta ni PSI Ricaredo Dalisay kasama ang kanyang kapulisan sa lahat ng mga sumailalim dito.

Panauhin din at nagbigay ng kani-kaniyang pagbati sina Batangas Acting Provincial Director PSSupt Randy Q. Peralta, kasama si PCI Allan Reyes-Deputy Police Community Relation, ang Executive Secretary at representante nina Asec. Antonio Hernandez at Sec. Dennis Hernandez na si Bb. Jarizza Mae U. Biscante.

 

“Kalimutan na natin na minsan sila ay nagkamali, at iwaksi po natin ang diskriminasyon.” Ito ang tinuran ni PSSupt. Randy Q. Peralta. Dahil aniya, suporta ang kailangan ng mga tumalikod na sa droga.

“Pinasasalamatan ko si Mayor Toreja dahil ganon na lamang ang kanyang commitment at malasakit sa bayan ng Ibaan lalo’t higit sa inyo.” Aniya sa mga magsisipagtapos.

Ipinaabot naman ni DSWD Asec. Antonio Hernandez ang kanyang pagbati at taos-pusong pasasalamat dahil sa determinasyon ng mga surrenderees na magbago at magpasailalim sa SIPAG Program.

“Kayo ang patunay ng totoong pagbabago!” Ayon sa kanyang isinulat na pagbati.

Mayroon pa umanong buhay pagkatapos nilang pagdaanan ang pagdodroga. Maaari nilang piliin ang tuluyang magbago at magsimula ng panibagong buhay.

Naroon din si Ibaan DILG Officer Gng. Rosita Rabano upang makiisa sa seremonya.

Samantala, nagtapos naman sa isang salu-salo ang nasabing programa.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s