Kaalaman Tungkol Sa RA 9003 (The Ecological Solid Waste Management Act Of 2000), Ibinahagi Sa Barangay Functionaries Ng Ibaan

December 20, 2017 | Kharen E. Tejada

Upang mas lalong maunawaan ang kahalagahan ng batas pangkalinisan, nagsagawa ng seminar ang mga kawani ng Environmental Management Bureau (EMB) na sina Ms. Marife Peñano, Senior EMS Ms. Ruby F. Sarmiento, at EMS I Ms. Zarah Mae Aday sa mga barangay functionaries kaugnay ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ang RA 9003 ay batas tumutukoy sa tamang pagbubukod-bukod ng basura. Nais nitong maging responsable ang mga mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng bawat isa.

May iba’t ibang uri ng basura, ito ay papel, plastik, bakal, bote, at bubog na kabilang sa recyclable waste, samantala kabilang naman sa compostable waste materials ang kitchen waste gaya ng tirang pagkain, balat, at buto ng gulay, prutas, balat ng tahong, talaba, alimasag, balat ng itlog, tinik, hasang, bituka ng isda at halimbawa naman ng garden waste ay dahon at damo, sanga, nabunot o natumbang halaman, dumi ng hayop.

Mapapakinabangan umano ang mga basura kung maayos na masesegregate ang mga ito, maaari itong mapagkakitaan o di kaya ay gawing fertilizer.

Kaya gayon na lamang ang adhikain ng RA 9003 na maisulong at maging ganap na epektibo ang batas.

Maaari namang sampahan ng kasong kriminal at sibil ang sinumang mamamayan, opisyal, o ahensya na lalabag sa batas tulad ng pagkakalat, pagtatapo, pagtatambak ng basura sa mga pampublikong lugar, pagsusunog ng basura, pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura, pagtatambak, pagbabaon ng basura sa mga lugar na binabaha, walang paalam na pagkuha ng mga recyclables na may talagang mangongolekta, at paghahalu-halo ng pinaghiwalay na basura.

May kalakip ding multa o parusa ang bawat paglabag, maaaring pagbayarin ng mula P300.00 hanggang P3,000.00, pagkabilanggo mula labinlimang araw hanggang anim na buwan, o kaya naman ay serbisyong pangkomunidad mula isa hanggang labinlimang araw.

Idinagdag pa ng mga EMB staff na sinuman ay maaaring maghain ng reklamo, sumulat lamang kalakip ang pangalan ng nagrereklamo, petsa, oras, at lugar ng pinangyarihan, detalye ng ginawang paglabag, ebidensya at mga larawan sa National Solid Waste Management Commission Secretariat, EMB-DENR, 2nd Floor, HRDS Bldg., DENR Compound Visayas Ave., Quezon City o sa Integrated Bar of the Philippines, National Environmental Action Team, 15 Julia Vargas Ave., Ortigas Center, Pasig City.

Nagpasalamat naman si Mayor Danny Toreja sa lahat ng dumalo at nagpakita ng interes sa ginanap na seminar. Aniya, ang kaalaman tungkol sa RA 9003 ay malaking tulong upang maiwasan ang mga problemang posibleng kaharapin ng mga mamamayan at buong bayan ng Ibaan kaugnay sa usaping pangkapaligiran at pangkalusugan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s