PO2 Oliver Ylagan ng IMPS: “Ligtas pa rin sa bayan ng Ibaan.”

January 26, 2017 | Kharen E. Tejada

Sa unang buwan ng taon ay isinagawa ang Municipal Peace and Order Council Meeting sa dating LIGA office, January 25.

Naging paksa sa isinagawang pagpupulong ang mga programang naisakatuparan ng bawat kinatawan ng MPOC, ang Ibaan MPS, BFP, at maging ang mga PAF personnel na nakabase sa Rosario ay nagbigay din ng kanilang report.

Ayon kay PO2 Oliver C. Ylagan ng Ibaan MPS ipinagmamalaki ng buong istasyon na ligtas pa rin ang mga lugar sa Ibaan dahil sa regular na operational intervention na kanilang isinasagawa upang mapanatili ang kapayapaan.

Nagsasagawa ang mga kapulisan ng checkpoint, Oplan Bakal/Sita na may kaugnayan sa loose firearms, mobile patrol, Beat patrol kung saan bumibisita sa mga establisimyento gaya ng mga remittance center, Bisita alpha kung saan iniinspeksyon ang mga motorshop at junkshop upang maiwasan ang bentahan ng mga nakaw na piyesa, Oplan Bulabog kung saan bumibisita sila sa mga isolated na barangay o lugar, Oplan Galugad kung saan iniinspekyon nila ang mga selda at nagsasagawa din sila ng dayalogo sa mga barangay officials.

Ipinagmalaki din ni SFO1 Domingo Rubis na may kakayahan ang Ibaan BFP na makapagresponde kung sakaling magkaroon ng sunog sa lugar. Labintatlo ang total strength ng departamento at mayroon silang apat na fire trucks. Nagsasagawa din sila ng Refresher Course Training, Open House Training o ang aktwal na pagtuturo sa mga kabataan kung paano rumesponde sa isang sunog.

Ipinaalala din ni SFO1 Rubis ang magaganap na Fire Prevention Month sa darating na Marso kung saan may mga programang inilalatag ang kanilang opisina upang ito ay maisakatuparan.

Iniulat naman ni 1Lt. Raymundo Lozada ng 733rd Combat Squadron ang mga naging matagumpay nilang engkwentro sa NPA na nagpupugad sa kabundukan ng Batangas. Lumawak na din umano ang kanilang area of operation na umabot na din sa Cavite at Quezon.

Mahigpit ang paghihikayat ni Capt. Lozada sa mga opisyales ng barangay na kung sakaling may mga kahina-hinalang tao at kaganapan sa kanilang lugar ay huwag matakot na sabihin sa kanila upang makapagoperate doon ang kanilang tropa at upang maiwasan ang mas malala pang pangyayari.

“Continuous ang pagrecruit ng mga NPA kaya huwag ninyong ipagbahala ang mga katulad na sitwasyon sa inyong lugar.” Dagdag pa niya.

“Kapag may mga nakikita kayong kahina-hinala, sabihin nyo na agad sa marami at huwag sasarilinin, itawag agad.” Ayon naman ito kay Mayor Danny Toreja.

Naniniwala naman si Mayor Danny na kung pahihigpitin ang kooperasyon ng bawat isa, makakaiwas ang Ibaan sa mga pangyayari na may kaugnayan sa aktibidad ng mga rebelde.

“Kailangan ay mapanatili natin ang kapayapaan sa Ibaan at huwag nating hahayaan na makapasok at makapagkuta sila dito.” Dagdag pa niya.

Nangako naman ang lahat ng miyembro ng MPOC na makikipagtulungan sila sa mga awtoridad.

Napagusapan din ang patuloy na pagsasagawa ng mga programa para sa mga surrenderees at naging concern naman ni Mayor ang di pagdalo ng ilan sa kanila kaya’t ipinabahala niya sa mga pulis at barangay officials ang bagay na ito.

Sa huli, pinasalamatan niya ang ang mga dumalo sa pagpupulong dahil sa paglalaan nila ng pagpapahalaga at oras para dito.

“Maseseguro din natin ang kaligtasan ng buong bayan kung lahat tayo ay nagtutulong-tulong. Unang-una kong pinasasalamatan ang kapulisan, BFP, Air Force, at mga kapitan.”

Inanunsyo niya sa pagtatapos ng kanyang pananalita ang gaganaping Medical at Dental Mission, at bloodletting sa Recto Gymnasium,January 31.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s