Ginang Na May Thyroid Goiter, Ipinagamot Ng Libre Ni Mayor Danny

January 29, 2018 | Kharen E. Tejada

Personal na nagtungo si Gng. Babylyn Gonzales sa tanggapan ng punong bayan upang magpasalamat dahil sa tulong na ibinigay nila sa pagpapagaling ng kanyang thyroid goiter, January 29.

POL_0004

Photo by Aron Paul R. Miñas

Si Gng. Babylyn ay mula sa Brgy. Munting Tubig, apatnapu’t anim na taong gulang at may isang anak. Mag-isa niyang binubuhay ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga lutong pagkain.

Setyembre nung nakaraang taon ay nadiskubre ni Gng. Babylyn na mayroon siyang isang bukol sa kaliwang bahagi ng leeg. Agad siyang pinayuhan na magpakonsulta upang maagapan ang paglaki ng bukol na ito.

Dahil kapos sa buhay, humingi siya ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Ibaan upang makapagpagamot. Kung saan mayroon tayong espesyal na prebilehiyo na makapagdala ng pasyente sa ospital ng Makati sa pakikipagtulungan ni Mayor Toreja kay Mayor Abby Binay.

Ang OsMak o Ospital ng Makati ay nagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga nangangailangan. Prayoridad ng ospital na magamot ng libre ang mga kabilang sa indigent families at isa si Gng. Babylyn dito.

Isa ang bayan ng Ibaan sa binigyan ng pagkakataong makapagpadala ng pasyente sa ospital ng Makati dahil walang malaking pasilidad dito para sa di-pangkaraniwang sakit.

Oktubre 2017 nang lumapit siya sa Office of the Mayor upang humingi ng tulong na magpakonsulta sa OSMAK. Ang opisina ang nakikipagugnayan sa OSMAK upang madaling maihatid ang tulong sa mga taga Ibaan.

Sa kanyang pagpapakonsulta nalaman ng ginang na hindi lamang isa ngunit dalawang bukol ang nakita ng mga doktor sa kanya at kinakailangan na matanggal ito kaagad.

Isang procedure ang isinagawa sa kanya, ang Transoral Endoscopic Thyroidectomy na kung saan dumaan ang ginang sa “scar-free” surgery na pinangunahan ng surgeon ng OsMak na si Dr. Rainier Lotangco. Si Gng. Gonzales ang unang pasyente mula sa Ibaan na dumaan sa ganitong gamutan.

January 16 nang siya ay maadmit sa ospital. Matagumpay siyang nakalampas sa nasabing procedure at matapos lamang ang limang araw ay lumabas din kaagad siya.

Lubos na nagpapasalamat si Gng. Gonzales kay Mayor Danny Toreja, aniya, hindi na kinailangan pang gumastos ng malaki para siya ay gumaling dahil sa programang ito ng pamahalaan.

Hiling din niya na sa sana ay mas marami pang mga katulad niya ang matulungan ng programa at ng lokal na pamahalaan.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s