Bloodletting Activity, Medical At Dental Mission, Handog Ni Mayor Danny Sa Mga Taga Ibaan

February 1, 2018 | Kharen E. Tejada

27331576_1823032641071277_5895602607911127995_n
Masayang kinukumusta ni Mayor Danny Toreja ang mga doktor at mga pasyente na lumahok sa medical at dental mission.

Photo by: Aron Paul R. Miñas

Handog ni Mayor Danny Toreja para sa kanyang kababayan ang Medical Mission, Dental Mission at Bloodletting Activity na matagumpay na isinagawa sa Recto Gymnasium, Poblacion Ibaan, Batangas, January 31.

Tinatayang nasa 974 katao ang nakiisa at tumanggap ng libreng serbisyo gaya ng free consultation at dental check up . Umabot din sa 817 ang nabigyan ng libreng gamot.

Nagkaroon naman ng kabuuang bilang na 138 ang mga nagdonate ng dugo. Ang ilan sa kanila ay nagmula sa Ibaan LGU, miyembro ng kapulisan at Philippine Air Force, NGOs, BFP, at mga residente ng Ibaan.

Naroon ang mga doctor na tumulong sa aktibidad gaya nina Dioscoro Angelia Jr., M.D.(QMH), Winnie Gonzales, RN(QMH), Malou Cruzat, RN(QMH), Jerome Dylan B. Montalbo, M.D.(BatMC), Cecilia B. Lim-Cayetano, M.D.(Ibaan), Dr. Alona S. Caiga (Ibaan RHU), Dr. Dionisio C. Burog (PHO), Dr. Florian Balmes (PHO), Dr. Audrey Magnaye (PHO), Dr. Celma Hernandez-Matibag (PHO), Dr. Jane Aileen Dela Peña-Lapeña (PHO), Dr. Maria Liza Alcantara (PHO), Dr. Limuel C. Culla (PHO), Dr. Gina D. Castillo (Ibaan).

Nagbigay din ng tulong ang Bago (Ibaan) Multi-Purpose Cooperative sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng medical supplies, BP monitor, temperature sensor, at blood sugar monitor at test strip para sa mga mamamayan ng Ibaan.

Maging ang may bahay ni Mayor Danny na si Dra. Pat Toreja ay tumulong na rin upang mag check up sa mga pasyente.

Nagsagawa din ng ECG sa opisina ng MPOSS si Gng. Charmaine Monte ng God Almighty Clinical Laboratory.

Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Danny sapagkat sa tuwing may ganitong programa ay palaging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas katuwang ang mga provincial health officers, maging mga doktor at nurse ng Batangas Medical Center. Pinasalamatan din niya ang bumubuo ng Ibaan MHO sa pangunguna ni Dra. Agnes Chua maging ang mga grupo mula sa iba’t ibang sektor na nakiisa at tumulong gaya ng BHW, BNS, DCW, CCW, Poblacion BPSO, at Ibaan LGU.

Espesyal na araw ito para sa alkalde sapagkat kasabay nito ay ang kanyang ika-limampu’t anim na kaarawan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s