“Drug Free Home” Project, Inilunsad Sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas

February 1, 2017 | Kharen E. Tejada

27073036_1824205500953991_1218946262726445063_n
Pinangunahan nina (mula sa kaliwa) Kap.Jose Fortus, PSI Ricaredo Dalisay, Mrs. Rosita Rabano, Mayor Danny Toreja, at Malainin BPSO ang pagdidikit ng “Drug Free Home” sticker sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas, February 1, 2018.

Photo by: Aron Paul R. Miñas

Inilunsad ang “Drug Free Home” Project sa pangunguna nina Mayor Danny Toreja, PSI Ricaredo Dalisay, MLGOO Lucille Rabano at Kapitan Jose Fortus sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas, February 1.

Naroon din si PO3 Suzette Baldovia ng PPSMU PNCO upang saksihan ang paglalagay ng mga sticker sa bawat tahanan ng nasabing barangay.

Ang Brgy. Bungahan at Brgy. Malainin pa lamang ang drug cleared certified by PDEA samantalang may lima pang barangay sa Ibaan ang kasalukuyang sumasailalim sa ebalwasyon, ang Catandala, Panghayaan, Mabalor, Salaban I, at Salaban II.

Samantala, patuloy pa rin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaang lokal upang tuluyang maging drug-cleared ang dalawampu’t anim na barangay sa Ibaan.

“Mapalad ang Malainin dahil pangalawa kayo sa barangay na drug cleared, binabati ko si kapitan at kanyang mga kasamahan. Tuloy-tuloy lamang po ang programa ng kapulisan katuwang si Mayor Danny at lahat ng opisyales.” Ayon ito kay PSI Dalisay.

“Isang palatandaan na sumusunod tayo sa itinakda ng batas sa atin ay ang pagkakaroon ng mga drug cleared na barangay dito sa ating bayan.” Ayon naman ito kay Mayor.

Aniya, malaking bagay sa buong mamamayan na macertify ng PDEA bilang drug free at ito ay resulta ng pagtutulungan ng lahat lalo na sa tulong ng mga opisyal ng barangay.

Nagpayo naman si Kap. Fortus na kung sakaling may impormasyon o may anumang nababalitaan kaugnay sa iregularidad sa barangay ay wag magatubiling sabihin sa mga opisyal ng barangay upang hindi na magkaroon ng problema.

Ang paglulunsad ng “Drug Free Home” Project sa bayan ng Ibaan ay isang palatandaan ng pagsunod at pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa adbokasiya ng Administrasyong Duterte kontra ilegal na droga.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s