Unang Bahagi ng Ika-186 Na Anibersaryo Ng Pagkakatatag Ng Ibaan : Palaro Ng Lahi

February 9, 2018 | Kharen E. Tejada

Sa pagdiriwang ng ika-186 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Ibaan, muling ipinakita ng mga Ibaeño ang tibay at lakas ng loob sa lahat ng hamon sa “Palaro ng Lahi” na isinagawa sa B.R. Medrano Plaza, February 8.

27545102_1833726170001924_6270069841833046737_n
Nagkaroon si Mayor Danny ng pagkakataon na makasalamuha ang mga miyembro ng organisasyon sa Ibaan, habang di pa nagsisimula ang “Palaro ng Lahi”.

Photo by Aron Paul R. Miñas

Bida sa Palaro ng Lahi ang mga produktong tema ng anibersaryo, ang tamaLES, Kulambo, Habi, Liempo, at tuBo.

Kabilang sa mga laro ang tamales eating contest, “Tara na magkulambo!”, “Mariang Naka-habi Went to Market”, “Balatan na ang Tubo Gamit ang Ipin”, Sack Race, Tirador, Bunumbraso para sa Babae, Bunumbraso para sa Lalaki, Limbo Rock para sa Babae, Limbo Rock para sa Lalaki, Pasiyutan para sa Lalaki (3 point shoot-out), Pasiyutan para sa Babae (free-throw shooting), Tug of War, at Pig Puzzle.

Hinati sa walong team ang iba’t ibang organisasyon na kalahok sa palaro. Ang ABC, Barangay Treasurers at Barangay Secretaries ay red team, ang ERPAT at Kababaihan naman ay yellow team, ang Ibaan Market Vendors Association at GUARDIANS ay white team, ang PNP at Day Care Workers naman ay blue team, ang LGU ay maroon team, ang DepEd ay Gray Team, ang Municipal Cooperative Development Council naman ay pink team, at ang BFP, BNS, BHW, at Farmers Association naman ay black team.

Sa pambihirang pagkakataon ay muling nagkasama-sama sa isang kasiyahan ang bawat organisasyon sa Ibaan, kaya naman labis ang kasiyahan ni Mayor Danny Toreja na mula umpisa ng programa hanggang matapos ito ay naroon at nakikisaya din sa mga naglalaro.

“Nabiyayaan tayo ng maganda at maayos na Ibaan”, aniya. Hiling ni Mayor na ipagpatuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa kaunlaran ng bayan lalo na sa mamamayan ng Ibaan.

Nagpasalamat siya sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ng maayos at mapayapa ang Palaro ng Lahi.

Naroon din ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, sina Kon. PJ Chua na bahagi din ng program committee, Kon. Soc Arellano, at Kon. Julius Panaligan upang ipahayag ang suporta sa kaganapang ito.

Samantala, inanunsyo ng kometiya ang over-all champion sa paligsahan, ang Yellow Team na binubuo ng ERPAT at Local Women’s Council na nakatanggap ng cash prize na P10,000.00, 2nd Placer ang White Team na nakatanggap ng P7,000.00, nakuha ng Gray Team ang 3rd Place at nakatanggap sila ng P5,000.00. Ang Maroon, Pink, Red, at Black Team ay nakatanggap din ng consolation prize na tig P2,000.00. Binigyan naman ng certificate of appreciation ang lahat ng organisasyon na sumali.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s