Ikalawang Bahagi Ng Ika-186 Na Anibersaryo Ng Pagkakatatag Ng Ibaan : Cultural Night

February 12, 2018 | Kharen E. Tejada

Hindi nagpahuli sa pagpapakita ng talento sa cultural presentation ang mga organisasyon sa Ibaan kabilang ang Senior Citizen, DJAPMNHS, ERPAT, Kababaihan, Maximo T. Hernandez Memorial National High School, Municipal Cooperative Development Council, Brgy. Liturgical Committee, Ibaan Central School, St. Jude Science and Technological School, Marfeben Academy, Maranhata Christian Academy of Ibaan, Batangas, Inc., Bangko Kabayan, at Local Government Unit. Ginanap ito sa B.R. Medrano Plaza, Poblacion, Ibaan, February 9.

 

 

Pormal na binuksan ang programa ng mga batang mula Sabang Day Care Center pati na ng Child Development Workers, naghandog naman ng song number si Yjah Cheimira Asebo at dance number mula kay Bb. Jannah France Guerra, 2nd Runner Up ng Mutya ng Ibaan 2017.

Ipinakita ng bawat grupo ang mga kulturang Pinoy sa pamamagitan ng pagsayaw at pag-awit. Lahat ay naghanda upang maging maganda ang kanilang  performance at halos lahat ay nakatanggap ng palakpak mula sa manonood.

Namahala sa buong programa si Gng. Irene R. Torres ng MSWD at ang Municipal Assessor Mrs. May Bagui kasama ang mga staff mula sa Ibaan LGU.

Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Danny Toreja sapagkat maraming tao ang tumulong at sumuporta sa pagdiriwang. Aniya isang malaking tagumpay ang selebrasyon dahil sa di matawarang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Hiling din niya na sana ay magpatuloy pa ang ganitong pagdiriwang sa mga susunod na henerasyon. Pinasalamatan din niya ang mga nahalal na alkalde ng bayan na nagpasimula ng ganitong kultura sa Ibaan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s