Ikatlong Bahagi Ng Ika-186 Na Anibersaryo Ng Pagkakatatag Ng Ibaan : Color Fun Run, Fun Ride, At Job Fair

February 13, 2018 | Kharen E. Tejada

Masayang aktibidad ang isinagawa sa ikatlong araw ng pagdiriwang sa ika-186 Founding Anniversary ng Ibaan kabilang na ang Color Fun Run, Fun Ride, at Job Fair Activity, February 10.

Alas singko pa lamang ng umaga nang umpisahan sa isang zumba ang programa at nagkaroon pa ng raffle draw. Naging tagapagsalita sa maikling programa si G. Roger Guerra.

Maging si Mayor Danny Toreja at kanyang pamilya ay kasama rin sa 576 na mga nagsitakbo sa Color Fun Run. Pagod man sa nakaraang aktibidad, masaya silang nakisabay at nakitakbo sa karamihan.

Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Danny sa mga Brgy. Tanod ng Coliat at Poblacion lalong-lalo na ang Bungahan na mula madaling araw ay nagbantay na sa dinaanan ng mga mananakbo. Nagpasalamat din siya sa Ibaan BFP sa pangunguna ni SFO1 Domingo Rubis, sa Ibaan MPS sa pangunguna naman ni PSI Jayson C. Aguilar, sa GSO at hepe nito na si G. Jahmil Acebo, sa MHO na pingangunahan ni Dra. Agnes Chua at sa Municipal Security Officer, Col. Venus De Castro at buong team ng traffic enforcers.

Nagpasalamat naman ang committee members sa pangunguna nina Bb. Vanessa Nicolas at Gng. Myla Soriano sa mga sponsors ng aktibidad gaya ng Trion Trade Incorporated, G. Hans Christian S. Sih ng Tiles Light Center (TLC), Gng. Jinky Montalbo ng Ibaan Fit, Healthy, and Happy Wellness Center, Super Magalang Slaughterhouse, P-Square Constructing Services, CV Toreja Agri Enterprises, G. Rodel De Castro, G. Gerardo Acebo, Gng. Dea Pasia, Paul and Harris Cafe, Ben and Lani Toreja, Budget N’ Tipid Corp., Hon. Socrates Arellano, Hon. PJ Chua, Hon. Jullius Panaligan, Hon. Turing Maputi, at Hon. Armando Guttierrez.

Samantala, nasa 300 naman na mga siklista ang sumama sa Fun Ride, pinangunahan ito ni Engr. Mano Torrano.

Huling aktibidad naman ng araw ma iyon ang Job Fair. Nasa labinlima na mga employer ang nagbigay ng oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho kabilang dito ang EPSON Precision Philippines, Inc., Ace Hardware Philippines, Inc., PTR Properties, Inc., Bangko Kabayan Inc., DELNOR Agri-Foods Inc., Mitsuba Philippines Inc., CDO Foodsphere, Inc.,  BIFIDO Health Marketing Corp., Supervalue Inc., Taytay sa Kauswagan Inc., EastWest Placement Center Inc.,  Andrews Manpower Consulting Inc., M.S. Brains International Manpower Services, Saint Rosalia International Recruitment Agency.

Nasa 115 ang mga nagbakasakali rito, 54 ang babae at 61 naman ang lalaki. Sampu sa kanila ang na-hire on the spot. Marami man ang kwalipikado, kailangan pa rin nilang dumaan sa proseso gaya ng interview at screening.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Gng. May Bagui, PESO Manager, kasama ang mga staff mula sa Ibaan LGU.

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s