186th Ibaan Foundation Day : “Les KuHLiemBo” Festival 2018

February 14, 2018 | Kharen E. Tejada

Isa sa espesyal na pagdiriwang para sa Ibaan ang “Les KuhLiemBo” Festival na bahagi ng anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan na ngayon ay nasa ika-isandaan at walumpu’t anim na. Pinakatampok ito sa apat na araw na pagdiriwang na ginanap noong Pebrero 11.

Tinawag na “Les KuHLiemBo” ang pagdiriwang upang maipakita ang mga produktong ipinagmamalaki ng Ibaan gaya ng tamales, kulambo, habi, liempo, at tubo.

Kultura na ng Ibaan ang pagsasagawa ng Street Dance Parade at Liempo Grilling upang maghatid ng saya sa mga manonood. Masayang tugtugin din ang ipinamalas ng Rosario Drumbeaters kasunod sina Mayor Danny Toreja, Municipal Administrator Atty. Triven Castillo, Engr. Noriel Aguila, Kon. Soc Arellano, Kon. Jullius Panaligan, at ang Mutya ng Ibaan 2017 Bb. Anne Mariden Evangelio.

Kabilang din sa pumarada ang  mga municipal employees, Barangay officials at functionaries, at SJA Faculty Members.

Ipinamalas naman ng SJA Street Dancers ang kanilang husay sa cultural presentation. Ipinakita nila ang kultura ng Ibaan sa pamamagitan ng pagsayaw. Tampok sa kanilang presentasyon ang Poong Santiago Apostol, produktong tamales, kulambo, habi, tubo, at liempo.

Bago ito, nag-alay pa ng isang misang pasasalamat ang buong munisipyo ng Ibaan sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja at buong pamilya nito.

Samantala, kasabay ng parada ang liempo grilling na isinagawa sa kahabaan ng J.Pastor Street na nilahukan ng mga barangay officials at functionaries, maging mga NGO.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s