Scholars Ng Bayan, Malugod Na Nagpasalamat Kay Mayor Danny

April 10, 2018 | Kharen E. Tejada

Personal na nagtungo sa tanggapan ni Mayor Danny Toreja ang dalawang iskolar na nagtapos bilang Aircraft Technician na sina Jo-ed Geron Bayubay at Carlo De Castro Untalan upang magpasalamat dahil sa suporta at tulong na ibinigay ng punong bayan, April 10.

Kasama nila ang kanilang mga magulang na labis din ang tuwang ibinalita sa alkalde ang parangal na natanggap mula sa paaralan na kanilang pinaggalingan. Hinirang bilang Summa Cum Laude si G. Untalan at Cum Laude naman si G. Bayubay.  Nagmula ang dalawa sa Philippine State College of Aeronotics at parehong kumuha ng kursong BS in Aircraft Maintenance Technology.

Ang mga iskolar na ito ay nagmula sa ordinaryong pamilya, si G. Bayubay na mula sa Brgy. Balanga ay anak nina Gng. Anastacia Geron Bayubay na mayroong sari-sari store at G. Edwin Bayubay na isang machinist at nakabase pa sa Cavite, samantalang si G. Untalan na mula naman sa Brgy. Sabang ay anak nina Gng. Josie Marie De Castro Untalan na isang housewife at G. Wilfredo Gamboa Untalan na isang hograiser.

Dahil sa pagsusumikap ng dalawang batang ito at sa tulong-pinansyal na galing sa lokal na pamahalaan ng Ibaan pati na sa pagtitiyaga ng kanilang mga magulang, nabigyang buhay ang kanilang mga pangarap.

Hiniling naman ni Mayor Danny ang patuloy na pagtatagumpay ng mga ito sa propesyong kanilang napili upang makatulong at magbigay din ng inspirasyon sa iba pang kabataang Ibaeño.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s