Simulation Exercises, Muling Isinagawa Sa Ibaan

June 11, 2018 | Kharen Tejada at Dylan Royce Abando

Upang mas mapaigting ang seguridad sa bayan ng Ibaan, nagsagawa ng simulation exercises ang mga kapulisan sa pangunguna ni PSI Jayson C. Aguilar kaugnay sa kunwaring bank robbery na ginanap sa Mount Carmel Rural Bank, Inc.,Brgy. Talaibon, Ibaan Batangas, ala-una ng hapon, June 8.

Ang nasabing bangko ay may pitong empleyado kasama ang isang security guard nito. Sa ipinakitang scenario, biglang dumating ang tatlong suspek na agad tinutukan ng baril ang sekyu at mga empleyado nito. Agad silang pinadapa at sa puntong iyon ay nakahanap ng pagkakataon ang mga biktima upang maiparating sa otoridad ang kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng alarm system na direktang nakakonekta sa istasyon ng pulis.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay agad na rumesponde ang higit sa sampung pulis kasama ang kanilang hepe upang masawata ang mga suspek.

Agad namang nagpaputok ang mga suspek at gumanti ang kapulisan na humantong sa pagkakabaril sa mga ito. Isinugod sila sa pinakamalapit na ospital na syang magdedeklara kung ano ang kanilang sinapit sa engkwentro.

Naroon din ang mga traffic enforcers upang makontrol ang daloy ng trapiko at di maging sagabal sa pagresponde.

Samantala, ayon sa ebalwasyon na isinagawa ni PCI Joel Alvarez ng BPPO, nakita niya ang kahandaan ng Ibaan MPS pagdating sa ganitong insidente. Binati niya ang lahat ng nakilahok maging ang mga empleyado ng nasabing bangko. Aniya, dahil naging alerto ang mga biktima ay hindi na humantong pa sa mas malalang krimen ang naganap.

Suhestyon din ni PCI Alvarez na ma-activate ang Municipal Crisis Management Committee upang malaman ang papel na dapat gampanan ng lokal na pamahalaan. Malaki rin umano ang tungkulin ng MDRRMO na pinangangasiwaan naman ng bagong hepe nito na si G. Jahmil Acebo.

Bilang pasasalamat din ni PSI Aguilar sa kooperasyon ng Mount Carmel Rural Bank, Inc., nangako siya na anumang tulong pangseguridad ang kanilang kailanganin ay hindi magaalinlangan ang istasyon na sila ay tulungan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s