Lolo Isabelo at Lola Maxima Kalalo, Pinarangalan Bilang Outstanding Oldest Couple Ng Probinsya Ng Batangas

December 15, 2016 | Lala E. Esmana and Cinderella D. Samson

“Huwaran. Modelong Mag-Asawa at Pamilya”.

Ito ang naging paglalarawan ng mga taga Brgy. Sto. Niño ganun din ng mga taong nakasalamuha at nakakakilala kina Lolo Isabelo at Lola Maxima Kalalo na isa sa mga dahilan upang gawaran sila ng Pamahalaang Probinsya ng Batangas bilang “Outstanding Oldest Couple 2016” noong October 24 sa Provincial Auditorium. Kinilala naman ito ng pamahalaang bayan ng Ibaan bilang mga panauhing pandangal sa katatapos lamang na pagdiriwang ng Senior Citizens Day, December 9.

Ilan sa mga naging panuntunan ng Kapitolyo sa pagpili para sa nasabing karangalan ay ang kanilang naging kontribusyon at relasyon sa komunidad, ganun din ang kanilang partisipasyon sa mga gawaing pangsimbahan.

Sina Lolo Isabelo, 88 taong gulang, at si Lola Maxima, 87 taong gulang, ay kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sto. Niño , Ibaan, Batangas. Sila ay ikinasal noong September  24 , 1960 at nabiyayaan ng limang anak na nagbigay ng lubos na kaligayahan sa kanilang pagsasama.

Ang kanilang mga anak ay sina G. Gilbert Kalalo, ang panganay at nagiisang anak na lalaki ng magasawa, kasalukuyang naglilingkod bilang kapitan ng Brgy. Sto. Niño.Pangalawa naman si Dra. Editha Kalalo- Husmilo na kasalukuyang naninirahan sa United States of America. Pangatlo, G. Alvin Kalalo- Navarro, isang parmasyutika. Pang-apat si Dra.Ma. Lucila Kalalo- Patulot na isang dentista at huli si Gng. Cynthia Kalalo- pUri ang bunsong anak ng mag-asawa, isa ring parmasyutika at nakatira sa bansang Canada kasama ang kanyang pamilya.

Meron namang 14 na apo at isang apo sa tuhod ang magasawa na nagparami sa kanilang pamilya.

Sina Lolo Isabelo at Lola Maxima ay kilalang makatao at may mabuting puso para sa kanilang kapwa. Madalas ay nagbibigay sila ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan nilang kabarangay.Dahil na rin sa mataas na pagkilala at sa magandang halimbawa na kanilang ipinapakita ay madalas silang tianatawag bilang mga tagapagpayo lalo’t higit sa mga magasawang nagkakaroon ng problema sa kanilng pagsasama.

Ang ginampanang paglilingkod ni G. at Gng. Kalalo ay hindi matutumbasan ng anumang bagay lalo’t higit ginawa nila ito ng may tunay na pagmamahal sa kanilang kapwa.

Dahilan na rin ng pagiging mga guro, naging malaking bahagi ng kanilang adhikain ang makapagambag sa larangan ng edukasyon sapagkat alam nila ang kahalagahan ng edukasyon sa tagumpay ng isang tao. Kaya’t sa maigting na pagnanais nina Lolo at Lola Kalalo ay naitaguyod at napagyaman ang paaralan ng Brgy. Sto Niño.

Ayon kay Lolo Isabelo,“Ang gusto ko walang mangmang sa ating Barangay. kailangan ang edukasyon upang sila’y matutong bumasa, sumulat at magbilang.”

Aktibo rin ang magasawa sa pakikilahok sa gawaing sibil at relihiyon. Patunay nito ang isang aksyon nila para sa mga nagsasama ng hindi kasal sa kanilang barangay kung saan isang nagbibigay sila ng mga pangaral upang maipaliwanag ang kahalagahan ng sakramento ng kasal.

Gayundin ay nagtuturo sila ng katikismo tuwing araw ng Linggo upang mapaigting ang pananampalataya, moral at spiritual values sa mga bata.

Malaki rin ang naging ambag nila sa pagkakaroon ng kapilya sa kanilang barangay. Layunin ng magasawa na ilapit ang mga taga Sto. Niño sa Diyos lalo’t nagiging balakid sa mga tao ang malayong simbahan dahilan upang hindi na sumimba ang ilan.

Namagitan sila upang makakuha ng mga donasyon bilang tulong sa pagpapatayo ng Sto. Niño chapel. Sila rin ang nakipagusap sa Hocbo family upang mapabilis ng legal na proseso ng mga papeles para sa mga donasyon.

Naipatayo ang chapel taong 2010 dahil na rin sa pagtutok ng magasawa rito.

Ang mahalagang ambag na ito ang siyang patunay na sila’y karapa’tdapat na maparangalan.

(Note: Ang mga impormasyon ay halaw sa dokumento na isinumete sa Batangas Provincial Government para sa Search for Outstanding Oldest Couple 2016 na binuo ng pamilya at mga kaibigan nina Lolo Isabelo at Lola Maxima Kalalo.)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s