DSWD ASec. Anton Hernandez, Hinamon Ang Mga Opisyal Para Sa Mga Drug Surenderees At Para Sa Bayan

August 4, 2017 | Kharen Tejada

“Simulan nating baguhin ang Ibaan!”

Ito ang naging hamon ni Department of Social Welfare And Development (DSWD) Assistant Secretary For Special Concerns Jose Antonio Hernandez sa mga opisyal ng bayan ng Ibaan sa pangungunan ni Mayor Danny Toreja kasama ang mga Barangay Chairmen at Department Heads sa isang talakayan na ginawa sa munisipyo, August 4. At maaring simulan ito sa pamamagitan ng patuloy at malalim na pagtulong sa mga drug surenderees na muling makabalik bilang kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan.

 

 

Bilang Chairperson din ng Inter-Agency Committee On Illegal Drugs Rehabilitation And Reintegration Cluster, nagtungo si ASec. Hernandez sa Ibaan, Batangas upang higit niyang maipaliwanag ang nilalaman ng adbokasiya ng kanyang opisina na “YAKAP BAYAN: From Cancer Of Society To Community Leaders”. Layunin nito na mapagkaisa ang lahat ng ahensya at opisina ng pamahalaang bayan, ganun din ang iba’t ibang organisasyon at sektor sa komunidad upang higit na mapatibay ang suportang ibinibigay sa mga drug surenderees

Ayon sa kanya, maaring bumuo ang pamahalaang bayan ng mga programa gamit din ang mga kasalukuyang ipinapatupad na programa ng iba’t ibang opisina nito upang matulungan ang mga drug surenderees. Isang halimbawa na lamang nito ay pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga drug surenderees upang maging “social worker” ng kanilang barangay, o kaya naman ay bilang miyembro ng “disaster respond and rescue team” ng bayan ng Ibaan.

 

 

Sa ganitong paraan, unti-unti ay magkakaroon ng malasakit sa kapwa ang mga drug surenderees na maaring maging daan upang lubos na nilang iwasan ang droga.

Dagdag pa ni ASec. Hernandez, hindi dapat tingnan ang mga drug surenderees bilang problema. Dahil sila man ay maaring maging instrumento ng pagbabago ng buong bayan.

“Dapat ay mayroong sasambot sa kanila. At kayo yun., kasama na ang iba’t ibang sektor ng komunidad.”, aniya.

Nauna na rito ay ang pagpapaigting ng Oplan Tokhang, Oplan Double Barrel, SIPAG Program, at Community Based Rehabilitation Program, katuwang ang mga kasapi ng MADAC, BADAC, at MPOC.

 

 

Hiniling din ni ASec na bumuo ng Auxiliary Team kasama ang religious sectors, mga kabataan, kababaihan, kooperatiba, at iba pang NGO’s na makakatulong din sa pamahalaan upang maresolba ang lumalalang problema sa droga.

Ayon sa kanya, hindi sapat na sumailalim lamang ang mga surrenderers sa counseling at mga physical activities o simpleng community service, kundi dapat silang dumaan sa “proper training and rehabilitation”.

Ipinaliwanag din niya ang tamang proseso upang masabing drug-cleared na ang isang surrenderer. Dapat umano ay dumaan siya sa Barangay Drug Clearing Operation, nakapagfill-up siya ng Intake Form at nakapag Drug Dependency Evaluation (DDE).

Ang DDE ay isang pagsusuri na isinasagawa ng DOH o accredited agency nito upang malaman kung gaano na kabigat ang pagiging “dependent” sa droga ng isa surenderees. Ito rin ang pagbabasehan ng kategorya ng rehabilasyon na ibibigay sa kanya tulad ng Center-Based Rehabilitation kung saan ipadadala ang isang surenderee sa isang drug rehabilitation facility, Community-Based Rehabilitation kung saan makikilahok naman siya sa programa ng pamahalaang bayan para sa kanilang rehabilitasyon, o kaya naman ay Out-Patient Rehabilitation kung saan bibigyan ang isang surenderee ng mga gamot na kanyang iinumin upang mapalabas o mapigilan ang impluwensya ng droga sa katawan.

 

 

At kung sakali man na hindi tumalima ang isang drug surenderee, DDE din ang gagamitin upang maglabas ng kautusan ang korte na direktang nag-uutos sa huli na sumailalim sa alinmang kategorya ng rehabilitasyon na ibibigay sa kanya.

Ganun pa man, hindi pa umano natatapos ang proseso sa pagtatapos ng isang rehabilitation program kung saan sumailalim ang isang surenderee. Sasailalim pa umano sila sa “After-Care and Reintegration Process” na maaring umabot ng 18 buwan. At dito pa din papasok ang mga training na na ibibigay sa kanya tulad na lang halimbawa ng Basic Fire Fighting, Livelihood Programs, Rescue Operations Training, First Aid, at iba pa. Dito pa lamang umano sila maaring bitawan o maiikonsiderang “fully integrated” na muli sa komunidad.

 

 

Malaki naman ang tiwala ni ASec Anton na kayang kayang gawin ng Ibaan ang programa gaya ng ibang bayan na una na niyang napuntahan.  Wala umano ito sa dami ng pondo ng pamahalaan kundi sa matinding kagustuhan na mabago at tuluyan nang kumawala sa droga ang mga surrenderers.

Dagdag pa niya na ang droga ang nagiging ugat ng kriminalidad. At kung hindi pababayaan ang mga nalulong sa droga, magiging positibo ang kahihinatnan ng bayan para sa mga susunod na henerasyon.

Sa parte naman ng pamahalaang bayan, ibinigay ni Mayor Danny Toreja ang “commitment” ng kanyang administrasyon upang magsagawa ng mga programa ayon sa prinsipyp ng YAKAP BAYAN. Maging ang mga Barangay Chairmen, Ibaan-PNP, Ibaan-BFP, at mga Department Heads ay nangako na patuloy na makikipagtulungan para sa pagbabago ng mga drug surenderees, lalong higit ng bayan ng Ibaan.

____________________

Ibaan Municipal PIO | DTPerez, Lala Esmana, Kharen Tejada

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s