Medical/ Dental and Bloodletting Activity

50940447_2465129046861630_532336345658425344_n

Isa sa mga naging tradisyon ng ating Mayor Juan “Danny” Toreja simula ng siya ay mahalal na Mayor ng Ibaan ay ang pagbibigay ng serbisyo tuwing kaarawan niya.

Naging matagumpay ang medical/ dental at bloodletting na ginanap sa Recto Gym brgy. Poblacion, Ibaan, Batangas na nagsimula sa oras na alas otso ng umaga , Enero 31, 2019.

Sa tulong ng mga Volunteer Doctors, Dentist, at nurses ay maraming taga ibaan ang nabigyan ng libreng konsultasyon, libreng bunot ng ngipin at libreng gamot. Mayroon ding bloodletting activity na ginawa sa formation sa tabi ng simbahan na kung saan mga AFP na galing sa Airbase Lipa, BFP, PNP, NGO’s at iba pa ang syang nagdonate na dugo. Katulong din dito ang mga brgy. Captain at ang mga BHW.

Ang mga doctors, dentistĀ  at mga nurses ay nagmula sa iba’t- ibang lugar tulad ng PHO Batangas, BATMC, CHD- CALABARZON, Padre Garcia, Sucat Muntinlupa City at pati na din sa Ibaan.

Photo by: Aron Paul Minas

Leave a comment