Ibaan Sa Kultura Ng Mapayapang Pag- unlad : Cultural Night

Bahagi ng 187th Founding Anniversary  sa bayan ng Ibaan, Idinaos ang Cultural Night  sa B.R. Medrano Plaza, Brgy. Poblacion, Ibaan, Batangas sa ganap na 6:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, February 7, 2019.

Sa panimula ng programa, isang doxology ang ipinakita ng mga mag-aaral ng St. Jude Science & Technological School of Ibaan Inc. na sinundan naman ng mga Child Development Workers sa pag-awit ng Ibaan Hymn.

Ang Municipal Administrator na si Atty. Triven P. Castillo ay ang syang nagbigay ng simulang pananalita. Una ay nagpasalamat siya  sa poong maykapal dahil sa magandang panahon at pagkakataon. Sunod naman niyang pinasalamatan ay ang mga taong naging abala para sa programang ginanap at lalo’t higit sa mga taong nagsipagdalo at nakilahok sa nasabing programa.

Sumunod naman na nagbigay ng kanyang mensahe ay ang ating butihing Mayor na si Mayor Toreja. Isang masigabong  palakpakan ang ibinigay ng mga taong bayan habang naglalakad ang ating Mayor sa entablado. Ibinigay niya ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong tumulong, naging abala  upang maging matagumpay ang Cultural Night, sa lahat  ng nakilahok at lalo’t higit sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.

Nang makatapos magbigay ng kanyang mensahe ang ating Mayor, ang siya namang pagsisimula ng pagpapamalas ng talento ng mga taga- Ibaan. Unang sumalang ay ang grupo ng Municipal Federation of Senior Citizens Association, sunod ay ang Municipal Cooperative and Development Council, guro ng St. James Academy, sunod ay ang Parish Pastoral Council. Hindi din naman nagpahuli ang  mga empleyado ng Bangko Kabayan na Ibaan. Nagpakitang gilas din sa pagsayaw ang mga guro na nagmula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Ibaan. Hindi din naman nagpahuli ang LGU Ibaan sa pag-awit na sinalihan nina G. Allan Celso Semira mula sa Municipal Health Office at Gng. Anna Alday mula sa Municipal Agriculture Office. Kasali din sa programa ang mga Child Development Workers at ang mga Kabataan na namumuno sa ating mga barangay o SK Chairmans at mga kabataan na nagmula sa grupong Infinite Movers.

Nang matapos ang lahat sa pagpapakita ng kanilang talento ay ang paggagawad naman ng Certificate sa lahat ng mga nakilahok sa nasabing programa. Ang mga naggawad ng mga Sertipiko ay pinangunahan ni Mayor Juan V. Toreja, Municipal Administrator Atty. Triven P. Castillo, Kon. Paul John Chua, Kon. Soc Arellano, Kon. Turing Maputi, Kon. Matteo Guerra, Kon. Juvy Mendoza, Kon. Cesar Marasigan, ABC President Eddie Pasia, at Fr. Randy Marquez, Mutya ng Ibaan na si Ms. Ms. Anne Mariden Evangelio, lalo’t higit ang committee ng cultural night na sina Gng. Irene Torres hepe ng MSWD at Gng. May D. Bagui, hepe ng Municipal Assessor. At isang pangwakas na mensahe ang ibinigay ni Gng. Irene Torres.

-PIO

(For more photos, visit ibaangibaan.facebook.com)

 

 

Leave a comment