Palaro Ni “Juan” – Palaro Ng Lahi

Para sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng 187th Founding Anniversary ay ang Palaro ng Lahi ang siyang naging programa ng Ibaan na ginanap sa Recto Gym Poblacion, Ibaan, Batangas sa ganap na ala- una ng hapon, February 8, 2019.

Mayroong walong (8) grupo na nagmula sa iba’t- ibang organisasyon tulad ng Red Team (ABC/ Barangay Treasurers/ Barangay Secretaries), Yellow Team (ERPAT/ Kababaihan), White Team (Market/ PGBI), Blue Team (PNP/ Day Care  Workers), Black Team ( Bureau of Fire/ BNS/ BHW/ Kabalikat/ OFW), Violet Team (LGU), Gray Team (DepEd), at Pink Team (MCDC Cooperatives).

Nagsimula ang palaro sa larong “Tamales Eating Contest” na sinalihan ng isang miyembro ng bawat grupo. Sunod ay ang “Balatan na ng Tubo gamit ang Ipin”  na isang miyembro ng bawat grupo. Sunod naman ay “Tara na Magkulambo” na sinalihan ng 5 babae at 5 lalaki na magkapares. Ito ay isang relay na kailangang makipagunahan sa pagkakabit ng kulambo, paghiga, at pagkukumot ng habi, pagtitiklop ng habing kumot at kulambo at pagpasa sa sunod na pares hanggang sa matapos ang limang pares.

Sumunod naman ay ang “Mariang Nakahabi Went to Market”, ito ay isang relay na kailangang una- unahan ang bawat player ng team sa pagsusuot ng tapis na habi, pagbabandana, pagsusuot ng bakya at pagbitbit ng basket, maglalakad paikot sa itinalagang destinasyon pabalik sa starting point. Ipapasa sa susunod na player hanggang sa matapos ang lahat ng miyembro.

Sumunod naman ay ang “Sack Race”, isa din itong relay na may 10 miyembro kada grupo na 5 babae at 5 lalaki. sunod ay ang “Tirador” na isang miyembro kada grupo na may isang minuto upang mapatumba ang lahat ng bote. Sunod naman ay ang “Bunumbraso para sa Babae” at “Bunumbraso para sa Lalaki”. Isang player kada grupo. Sumunod ay ang “Limro Rock para sa Babae at Lalaki”. Isa din player kada grupo.

Meron ding “Pasiyutan para sa Lalaki” (3 pt. Shoot- Out) isang player kada grupo. Pati din ang “Pasiyutan sa Babae” (free-Throw shooting) isang player kada grupo.

Isa din sa mga laro na nakahain ay ang “Tug of War” na sinalihan ng 5 babae at 5 lalaki kada grupo. At ang huling palaro ay ang “Pig Puzzle” na sinalihan ng 4 na babae at 4 na lalaki. Unahan ang bawat grupo upang mabuo ang larawan ng baboy.

Dumalo ang ating Mayor Juan “Danny” Toreja, kasama sina PSI Roland Aniwasal, SFO1 Domingo Rubis at Kon. Paul John Chua. Sila din ang naggawad ng sertipiko para sa lahat ng nanalo.

Para sa programang ito sina Ms. Mary Jean Arellano, Hepe ng Human Resource at si Konsehal Paul John Chua at mga staff ang siyang naging punong abala upang maisagawa ang palarong ito.

Sa pangkalahatan, base sa mga iskor ng bawat team, Nanguna ang White Team na may iskor na 109.8, pumangalawa naman ang Red Team na may iskor na 101.5, pangtatlo ang Violet Team na may iskor na 97.7, pangapat ay ang Black Team na may iskor na 63.3, panglima  ang Blue Team na may iskor na 62.8, Pang-anim ang Pink na may iskor na 60.6, Pangpito ang Gray Team na may iskor na 55.4, at ang panghuli ay ang Yellow Team na may iskor na 51.1.

Naging matagumpay at masaya ang nasabing Palaro ng Lahi dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat kupunan.

 

-PIO

(For more photos, visit ibaangibaan.facebook.com)

Leave a comment